Napagtagumpayan ng National Telecommunication Commission (NTC) ang kanilang 2022 collection target na mahigit P3.92-B o 70.21%.
Ito’y matapos itinakda ng Development Budget Collection Coordination Committee na aabot sa P5.58-B ang target collection noong nakaraang taon habang naitala sa P9.50-B noong Dis. 31 noong nakaraang taon.
Ayon kay NTC officer-in-charge Commissioner Ella Blanca Lopez, ang kanilang pangongolekta ay isang simpleng paraan upang makapagbigay ng kontribusyon sa mga programa ng Administrayong Marcos.
Sa kabila nito, binigyang pagkilala ni Lopez ang mga kawani dahil sa kanilang pagsisikap upang mapagtagumpayan ang target collection. —sa panulat ni Jenn Patrolla