Inanunsiyo ng National Telecommunications Commission (NTC) na nalagpasan nila ang kanilang 2022 collection target ng mahigit P3.92B o 70.21 percent.
Nabatid na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang target collection ng NTC noong nakaraang taon sa P5.58B habang ang aktuwal na koleksyon ng ahensya, as of Dec. 31, 2022, ay naitala sa P9.50B.
“The NTC’s systematic collection effort is the Agency’s modest way of contributing to the public service programs of our dear President Ferdinand R. Marcos, Jr. – priorities of which are on food security, free and universal primary education, and public health,” ayon kay NTC Officer-in-Charge Commissioner Ella Blanca Lopez.
Kasabay nito, kinilala ni Lopez ang pagsisikap ng mga empleyado ng ahensya na malagpasan ang kanilang target collection.
Aniya, ang tagumpay ng NTC ay pinagsama-samang pagsisikap ng kanilang personnel upang mahigpit na maipatupad ang pagtalima ng stakeholders sa pagre-remit ng spectrum users’ fees, supervision and regulation fees at penalties.
Ang NTC ang nagre-regulate sa lahat ng cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies at commercial and portable radio operators sa buong bansa.