Kasado na ang kalendaryo ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2022 national at local elections sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, mayruon na silang tentative na petsa para sa paghahain ng certificate of candidacy o COC ng mga nagnanais sumabak sa halalan.
Itinakda aniya iyon sa Oktubre 1 hanggang 8 ng taong kasalukuyan bilang bahagi ng mandato ng poll body na masunod pa rin ang pagdaraos ng halalan sa Mayo ng susunod na taon.
Tulad ng mga nakalipas na halalan, mananatili pa ring automated ang paraan ng pagboto at pagbibilang nito gamit ang mga makina mula sa kumpaniyang Smarmatic.
Samantala, sinabi rin ni Abas, na nagpapatuloy ang voter’s registration at tatagal ito hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.