Bubuhayin ng 2022 Hybrid National Trade Fair ang Festive Holiday Shopping Season habang naghahanda ang mga Pilipino sa itinuturing nilang favorite time of the year.
Kasunod na rin ito nang ikinakasang 2022 Hybrid National Trade Fair ng Department of Trade and Industry-Bureau of Domestic Trade Promotion (DTI-BDTP) na magaganap sa November 16 hanggang 20 sa SM Megamall.
Katuwang ng DTI-BDTP sa 5 araw na event na ito na may temang “GO GREEN! GO LOCAL” ang regional operations group ng nasabing ahensya, design center of the Philippines at national bamboo industry cluster.
Ang naturang event ay patuloy na suporta para sa sustainability at inclusivity sa pamamagitan nang pagpapakita nng green, sustainable at eco-friendly products gayundin ang artisanal at heritage crafts mula sa labing anim na rehiyon ng bansa na masusing pinili para ipakita ang mayabong na indigenous products at raw materials, handcrafted and handwoven products, furniture at home decor na gawa mula sa sustainable materials, unique at eco friently packaging materials gayundin ang health at wellness products.
Ayon kay BDTP Director Marievic Bonoan, itatampok din sa nasabing trade fair ang iba’t ibang uri ng fresh produce, processed food and beverages at native delicacies na u ubrang ipang regalo lalo na ngayong kapaskuhan.
Ang nasabing event aniya ay mangyayari rin online o sa e commerce platforms tulad ng lazada.
Maaaring i check ang social media accounts ng DTI BDTP sa facebook, instagram at twitter gayundin sa kanilang twitter account para sa iba pang mga detalye ng 2022 hybrid national trade fair.