Aarangkada na bukas ang 2022 National Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd).
Ito ay pangungunahan ng Schools Division Office ng Imus City at Imus Pilot Elementary School.
Batay sa DepEd Memorandum No. 34, ang Brigada Eskwela ay ilulunsad hanggang August 26 kasabay ng “Oplan Balik Eskwela” na nakatakdang simulan sa August 15.
Ang Brigada Eskwela ay taunang aktibidad ng kagawaran kung saan naghahanda ang mga guro at non-teaching personnel para sa pagbubukas ng klase maging ang pagpapaigting ng ugnayan ng ahensya sa mga stakeholder.
Nabatid na umabot na sa 9 milyong mag-aaral ang nagpatala para sa School Year 2022-2023.