Itinanggi ni Senate Committee on Finance na may balak ang Senado na tapyasan ang panukalang 2022 National Budget.
Ito’y matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuweltahan niya ang mga senador dahil daw sa bantang pagtatapyas sa pamabansang pondo.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, sa pagkakaalam niya ay determinado ang mga senador na tulungan ang ehekutibo na gawing pantugon sa COVID-19 pandemic ang pambansang budget para sa susunod na taon.
Nakatutok anya ang mga senador sa pagpapalakas ng pondo para sa sektor pangkalusugan at sa pagbabangon ng bansa mula sa pandemya. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)