Nakatakdang lagdaan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2022 proposed P5.024T national budget upang maging ganap na batas.
Una nang itinakda noong martes ang pagpirma sa panukalang budget pero inihayag ni acting presidential spokesman Karlo Nograles na nirerebisa pa ng pangulo ang budget books kaya’t hindi natuloy.
Ayon kay nograles, bahagi ng proposed budget ay gagamitin sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Odette.
Disyembre a-kinse nang ratipikahan ng senado at kamara ang budget bill na naglalaman din ng Covid-19-related allocations, kabilang na ang 50 billion peso special risk allowances ng mga medical frontliner at dagdag 50 billion para sa booster shots.
Naglaan din para sa covid-19 laboratory network commodities, Department of Health (DOH) – Epidemiology and Surveillance Program; pagbili ng gamot, bakuna na aaprubahan ng food and drug administration at health facilities enhancement program.