Ipatutupad ngayong taon ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2023-2028 Philippine Development Plan (PDP) na magsisilbing roadmap para sa mas malalim at mas pinagandang komunidad at ekonomiya ng bansa.
Ayon sa DBM, layunin ng PDP na pasiglahin ang paglikha ng mas marami pang trabaho at mapabilis ang poverty reduction na makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya matapos padapain ng covid-19 pandemic.
Sa tulong ng PDP, mabilis na maibabalik ang inclusive high-growth path ng ekonomiya na magbibigay din ng pagkakataon sa bawat pilipino partikular na sa mga walang trabaho.
Bukod pa dito, kailangan ding masanay ang bansa na makilahok sa ibat-ibang uri ng event; maging innovative; at globally competitive para maibigay ang kailangan ng ekonomiya.