Pansamantalang suspendido ang voter’s registration para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) simula ngayong araw.
Ito ang inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) alisunod sa Resolution no. 10868 na regulasyon para sa BSKE voter registration.
Sinuspinde rin sa Dis. a-26 at Enero a-2, 2023 ang mga aktibidad sa pagpaparehistro ng mga botante, alinsunod sa Memorandum ng Office of the Executive Director at ng Election and Barangay Affairs Department.
Kasabay ito sa pagdeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Disyembre a-26 bilang Special non-working holiday.
Una nang sinabi ng Comelec na magpapatuloy ang normal na iskedyul ng pagpaparehistro sa Jan. 03, 2023. —sa panulat ni Jenn Patrolla