Binawasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang 2023 budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ayon sa DBM ay dahil sa mababang utilization rate ng dalawang ahensya kung saan, P10B ang inilaang budget para sa DICT ngunit 67% lamang ang nagamit habang P51B naman sa DOLE kung saan 69% lamang ang nagamit.
Ayon kay Budget secretary Amenah Pangandaman dapat panatilihin ang disiplina sa mga ahensya ng gobyerno para magamit ng tama at ma-maximize ang budget ng ahensya.
Inaasahan namang pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Disyembre a-16 ang mahigit P5T panukalang 2023 National Budget kung saan P400M ang mababawas sa budget ng DICT at halos kalahati naman ang nabawas sa budget ng DOLE.
Sinabi rin ng DBM na ang mga ahensyang may mababang Utilization Rate sa taong 2023 ay babawasan din ang budget sa taong 2024. —sa panulat ni Hannah Oledan