Nakatakdang lagdaan bukas, December 16, 2022 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang 2023 General Appropriations Bill (GAB) pagkatapos ng country visit nito sa Belgium.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, inaasahang uuwi ngayong araw ang punong ehekutibo para sa naturang batas na isa sa pinaka malaking panukala sa kasaysayan ng Pilipinas.
Kabilang sa mga nais iprayoridad ay ang pondo para sa pagpapatayo ng mga paaralang nasira bunsod ng kalamidad, social assistance para sa mga senior citizens, at transportasyon o ang Libreng Sakay sa EDSA Bus Carousel.
Samantala, nakatakda namang i-veto ni PBBM ang dalawa hanggang sa tatlong items na bahagi ng 2023 GAB, kasabay ng re-alignment ng nasa P70-B sa bicameral-approved national budget para sa susunod na taon.
Matatandaang niratipikahan ng kamara at senado ang GAB kung saan, pirma na lamang ni Pangulong Marcos ang hinihintay.