Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P5.268 trillion para sa 2023 national budget pagkatapos ng biyahe nito sa Brussels, Belgium.
Nabatid na niratipikahan na ng Bicameral Conference Committee report ang national budget na tutugon sa pangangailangan ng bansa at susuporta sa mga hakbang na gagawin ng bawat ahensya ng gobyerno.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, inaasahang dadalo si Pangulong Marcos sa European Union-ASEAN Summit sa darating na December 11 na tatagal hanggang December 15.