Target na maipasa ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang panukalang 2023 National Budget sa Agosto 22.
Ayon kay DBM secretary Amenah Pangandaman, nais ng kanilang ahensya na agarang maaprubahan ang naturang pondo bago matapos ang taong 2022.
Layunin ng DBM na makakakuha ng pinakamalaking pondo sa susunod na taon ay ang edukasyon, kalusugan at infrastructure sector para maipagpatuloy ang ‘Build, Build, Build’ Program sa ilalim ng Administrasyong Marcos.
Bukod pa dito, maglalaan din ng malaking pondo para sa sektor ng agrikultura upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na kabilang sa mga prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.