Binabalangkas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, sa sandaling maisa-pinal ang budget ay agad na isusumite ito sa kongreso sa Agosto a-22 upang maipasa bago ang christmas break ng mga mambabatas.
Mababatid na kabilang sa mga pangunahing prayoridad sa 2023 proposed national budget ang pagpopondo sa edukasyon na siyang pinakamalaking paglalaanan, sektor pangkalusugan, infrastructure at agrikultura.
Samantala bubuhusan din ng pondo ang mga proyektong nasimulan ng Duterte administration partikular na ang Build, Build, Build progam upang matapos ang mga mahahalagang imprastruktura na pakikinabangan ng mamamayan at ng bansa.