2023 Regional Tax Campaign kickoff, gaganapin bukas, February 16, 2023 ganap na ala-1:00 ng hapon sa Sm mega Trade Hall 1, 5th level, Mega B, SM Megamall sa Mandaluyong City.
Isasagawa ito ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Revenue Region (RR) no. 7B-East NCR na pangungunahan nina Regional Director Albino M. Galanza at Assistant Regional Director Eric P. Diesto.
Ngayong taon, ang kanilang magiging tema ay “Tulong-tulong sa Pagbangon. Kapit Kamay sa Pag-ahon. Buwis na Wasto, Alay para sa Pilipino”.
Humingi naman ng suporta ang revenue region sa mga taxpayer mula sa Mandaluyong, San Juan, Pasig, Marikina, Antipolo, Province of Rizal at Cainta para sa pagbuo ng pondo para sa pagbangon muli ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbabayad nila ng tamang buwis at pagbabayad ng tama sa oras.
Target naman ng BIR na makakolekta ng P2.599 trilyon ngayong taong 2023. Aabot sa 80% ng pondo ng national government ay mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Layunin ng kampanya ng Bureau of Internal Revenue na suportahan ang adbokasiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na pagkaisahin ang bawat Pilipino pagdating sa pagbabayad ng tamang buwis para sa muling pag-ahon ng ating ekonomiya at pagaanin ang buhay ng bawat Pilipino.