Walang discount ang mga commuter sa ilalim ng 2023 Service Contracting Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Ito ang kinumpirma ni LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano at sinabing maaari lamang garantiyahan ng ₱699-M program ang availability ng public utility vehicles sa buong araw.
Paliwanag pa ni Chief Bolano, base sa atas ng Commission on Audit, kailangan nababantayan ng ahensya ang kada diskwento at mahirap itong gawin sa mga traditional jeepney.
Dagdag pa ng opisyal, pinag-aaralan pa ito ng ahensya dahil target ng programa na mabenepisyuhan ang PUV drivers at operators kung saan kailangan nilang makasunod sa ilang requirements, kabilang ang availability ng 80% ng on-board vehicles.
Ayon pa kay Chief Bolano, nasa proseso na ng pagsunod sa requirements ang mga operator na nais lumahok sa programa
Samantala, plano ng LTFRB na simulang ipatupad ang programa bago matapos ang taon. - sa panulat ni Raiza Dadia