Kumpiyansa ang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting na isa sa magiging transparent na eleksyon ang may 2025 midterm elections.
Ayon kay PPCRV I.T. Director William Yu, ito ay dahil pinayagan sila at ang iba pang stakeholders para obserbahan ang electoral process.
Maituturing din aniyang highlight ng 2025 polls ang online voting system, na siyang kauna-unahan sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas.
Kung dati ay kailangan pa ng Overseas Filipino Workers na personal na pumunta sa presinto para bumoto, ngayon ay pinadali na ito at maari na lamang silang gumamit ng cellphone para makaboto.