Posibleng harangin sa Supreme Court ang 2025 general appropriations bill.
Ito ang sinabi ni Senator Juan Miguel Zubiri, kung pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukalang pondo nang hindi inaalis ang ilang mga probisyon.
Ayon sa Senador, dapat maibalik ang tinanggal na budget sa computerization program ng Department of Education at ang P74 billion subsidy sa Philippine Health Insurance Corporation Inc. o PhilHealth.
Matatandaang nakatakdang pirmahan ni Pangulong Marcos ang gaa sa Disyembre a-30 na naglalaman ng P6.352 trillion budget matapos ipagpaliban dahil sa ibinawas na mga pondo at ang bilyong pisong congressional insertion o pork barrel fund ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Una nang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na ilang probisyon ng national budget ang ive-veto ng Pangulo pero hindi binanggit kung anu-ano ang mga ito.