Iginiit ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na naaayon sa saligang batas ang inaprubahang national budget ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa susunod na taon.
Ginawa ng Kalihim ang pahayag kasunod ng mga agam-agam matapos ang ginawang pag-veto ng pangulo sa ilang probisyon ng 2025 General Appropriations Act.
Sinabi ng kalihim na bagama’t nasa kapangyarihan ng Kongreso ang paglalaan ng pondo, may kapangyarihan din ang ehekutibo na i-veto ang ilang items sa proposed budget na pinapayagan sa ilalim ng konstitusyon.
Pinuri naman ni Sec. Pangandaman ang ginawang masusing pag-aaral ni Pangulong Marcos sa pambansang pondo at pinasalamatan din nito ang mga mambabatas sa paglusot ng naturang panukala. – Mula sa ulat ni Giblert Perdez (Patrol 13)