Isinilbi ng MMDA ang closure orders sa dalawang bus terminals sa Pasay City dahil sa kawalan ng permit to operate.
Personal na isinilbi ni MMDA Chairman Danilo Lim ang closure orders sa Bragais and Pamar Terminal at St. Jude and San Rafel Terminal.
Inimpound din ng MMDA ang siyam na out of line buses mula sa Don Aldrin Bus Company.
Magbabayad ng 6000 Piso ang operator ng mga nasabing bus para mabawi ang mga ito.
Ayon naman kay Pasay City Administrator Atty Dennis Acorda wala silang impormasyon sa paglabag ng mga nasabing bus terminal dahil wala naman aniyang reklamo laban sa mga ito.