Pina iimbestigahan ni Senador Leila de Lima in Aid of Legislation sa Senado ang anito’y kaduda dudang pagsisilbi ng arrest warrant sa mga Parojinog sa Ozamiz City.
Binigyang diin ni De Lima na mahalagang maimbestigahan ang ilang nakakabahalang impormasyon tulad ng report na pinatay ang kuryente bago isinagawa ang operasyon ng PNP CIDG bukod pa sa sinira ang CCTV bago pumasok ang mga pulis.
Mayruon din aniyang pahayag ang isang survivor na kahit nakadapa na si Mayor Reynaldo Parojinog, Sr. at mga kasamahan nito sa loob ng kanilang bahay ay hinagisan pa rin ng granada ang mga ito.
Sinabi ni De Lima na halos magkaka pareho ang raid sa mga Parojinog sa operasyon laban kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Inihayag pa ni De Lima na ang search warrant ay hindi warrant to kill at hindi death sentence.