Nakapagtala ang Department Of Health ng 20,745 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw kung kaya’t sumampa na sa 2,248,071 ang kabuuang bilang ng nagkakasakit sa bansa.
Sa datos ng DOH, umabot na sa 180,290 ang active cases, nasa 22,290 ang gumaling kahapon kaya’t tumaas sa 2,032,471 ang total recoveries.
Nasa 163 naman ang namataydahilan upang umakyat sa 35,307 ang total death toll.
Batay sa pinakabagong ulat ng DOH, UP Philippine Genome Center at UP National Institutes of Health, sumampa na sa 2,708 katao ang tinamaan ng mas nakahahawang delta variant sa isinasagawang genome sequencing.
Ito’y makaraang pumalo sa 640 cases ang nadagdag sa talaan ng pamahalaan kahapon. —sa panulat ni Drew Nacino