Posibleng umabot sa 20K ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa susunod na linggo.
Ito, ayon sa OCTA Research Group, ay batay sa kasalukuyang trend ng virus sa bansa.
Inihayag ni OCTA Fellow, Dr. Guido David na inaasahang madaragdagan pa ang COVID-19 cases, lalo sa Metro Manila na nakapagtala ng 7,420 additional cases, kahapon.
Gayunman, naka-depende pa rin ang projection ng COVID-19 cases sa magiging hakbang ng gobyerno laban sa hawaan ng sakit at pagsunod ng publiko sa minimum public health standards.
Ayon kay David, kung ipatutupad ang maayos na interventions ay maaaring maitala ang peak ng COVID-19 cases sa kalagitnaan ng enero at tuluyang huhupa.
Sa ngayon anya ay sapat pa naman ang ipinatutupad na alert level 3 sa Metro Manila, Bulacan, Rizal Cavite at Laguna, maging ang dagdag restrictions sa mobility, partikular sa mga hindi bakunado.