Posibleng lumampas sa 20,000 ang mga bagong COVID-19 cases sa bansa kada araw.
Ito ang ikinabahala ng UP COVID-19 response team kung mabibigo ang gobyerno sa pagpigil sa pagkalat pa ng mas nakahahawang delta variant.
Ayon kay Dr. Jomar Rabajante, spokesman ng UP Team, ang kanilang projections ay batay sa patuloy na pagsirit kaso ng COVID-19 sa buong bansa kung saan nakapagtala ng mahigit 17,000 noong Biyernes.
Naka-a-alarma rin aniya ang positivity rate ng bansa na 25 percent gayong ang standard ng World Health Organization hindi lalampas sa 5 percent.
Ipinunto ni Rabajante na indikasyon ito na maaaring marami pang kaso ang undetected kaya’t posible pang tumagal sa mga susunod na buwan ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.—sa panulat ni Drew Nacino