Pumapalo na sa mahigit sa 20,000 pamilya o katumbas ng 80,000 indibiduwal ang apektado ng bagyong Quiel sa Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Irene Dumlao, 937 pamilya naman ang nananatili sa 41 evacuation centers sa Region 2 at CAR.
Dagdag ni Dumlao, naglaan na rin ng P2-milyon pondo ang DSWD bilang ayuda sa mga naapektuhan ng bagyong Quiel.
Batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2, 4 na ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyong Quiel habang isa naman ang nawawala.
Una na ring isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cagayan at Apayao.