Nasa 20 million electronic version ng National ID ang ipapamahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA) bago matapos ang taong 2022.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, ang nasabing bilang ng Electronic version ng ID o “EPHIL-ID” ay idadagdag sa target na 30 milyong ID cards na planong ipamahagi bago sumapit ang taong 2023.
Sa datos ng PSA, umabot na sa P70 milyong ang nakapagparehistro na upang makakuha ng EPHIL-ID na maaari ding mai-laminate pero makukuha lamang ito sa mga PhilSys Registration Center.
Nauna nang nakapamahagi ang ahensya ng mga ID cards sa 1K indibidwal sa ilang lugar sa bansa partikular na sa National Capital Region (NCR), Bulacan, at Pampanga.