Mahigit 20 milyong Pilipino ang nakatapos na sa ikalawang step ng pagpaparehistro para sa Philippine Identification System o PhilSys.
Ayon kay Philippine Statistic Authority Undersecretary Dennis Mapa, kabuuang 20,724,895 individuals na ang nakunan ng kanilang biometric information sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Aniya, ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpaparehistro ay makatutulong upang maabot ng gobyerno ang target nitong 50 hanggang 70 milyong registrants sa katapusan ng taon.