Patay matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay ang isang 21-anyos na estudyante sa Blk 12 lot 2, Phase 1B, Kaunlaran Village, Navotas City.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakaranas ng depresyon ang biktimang kinilalang si alyas “Randy” na nagtali ng nylon cord sa kaniyang leeg sa bubong ng kanilang bahay.
Isinugod pa sa Tondo Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.
Ayon sa magulang ng biktima, palagi nilang nakikitang malungkot ang kanilang anak bunsod ng COVID-19 pandemic at hindi na nakakapag-aral kaya’t pinayuhan itong ipagamot dahil narin sa kanyang mental disorder.
Napag-alaman din na maraming beses na umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima sa loob ng kaniyang kwarto.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naganap na insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero