Pumalo na sa kabuuang 7,345 ang bilang ng kaso COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraang maitala ng PNP health service, ang 21 bagong kaso ng virus, 34 naman ang bilang ng mga gumaling sa virus, kaya’t nasa 6,896 na ang kabuuang bilang nito.
Sa kaparehong datos, umakyat na sa 23 ang bilang ng mga nasawing pulis sa virus, makaraang makapagtala ng isang panibagong COVID-19 related death nito.