Mas dumami pa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa loob ng Davao City Jail – Male Dormitory.
Ito’y makaraang i-ulat ng Bureau of Jail Management and Penology Region XI na sumampa na sa 21 ang mga nagpositibo sa virus sa nabanggit na piitan.
Sinasabing sa mga bagong kaso, kasama rito ang walong inmates at limang jail officers.
Kasabay nito, pinaigting na rin ng BJMP ang contact tracing habang inaalam pa ang pinagmulan ng outbreak sa pasilidad.