Inaasahang darating na ng Pilipinas ang nasa 21 Filipino seafarers na inilikas sa barko na nasa Odessa, Ukraine sa Martes, Marso a-8.
Ang mga seafarers na ito ay lulan ng MV S-Breeze na naipit sa kasalukuyang gulo sa Ukraine mtapos itong sakupin ng Russia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga naturang seafarers ay nakatawid na ng Moldova noong Pebrero a-bente siyete at nakarating sa Romania noong Marso a-primero.
Sa ngayon, mayroon pang labingtatlong seafarers na kasalukuyang nasa Moldova at nahihintay na ma-repatriate.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles