Ligtas na nakarating sa Republic of Moldova ang 21 Filipino seafarers na lumikas mula Ukraine dahil sa patuloy na pananakop ng Russia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga Pinoy crew na inilikas ay mula umano sa MV S-Breeze, na nag-drydock sa Chornomorsk, Ukraine.
Dalawang batch ang ginawa sa mga Pinoy workers kung saan, unang dumating ang unang batch noong Pebrero a-27 habang ang ikalawang batch naman ay dumating nito lamang Marso a-1 sa tulong narin ng Philippine Honorary Consul sa Moldova, Philippine Embassy sa Budapest at Philippine Consulate sa Chisinau.
Siniguro naman ng Philippine Embassy sa Budapest at ng Philippine Consulate sa Chisinau na agad mare-repatriate pauwi ng Pilipinas ang mga Filipino seafarers. —sa panulat ni Angelica Doctolero