Dalawampu’t isang (21) heads of state ang kumpirmadong dadalo sa ASEAN Summit na idaraos sa Pilipinas sa susunod na buwan.
Ayon kay Ambassador Marciano Paynor, Director General for Operations ng ASEAN 2017 National Organizing Council, kabilang sa mga makikibahagi sa naturang pagtitipon ay si United Nations Secretary General Antonio Guterres.
Samantala, sinabi ni Paynor na nasa apat na heads of state ang may request na magkaroon ng bilateral talks kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, tumanggi si Paynor na sabihin kung kasama dito ang bilateral meeting nina Pangulong Duterte at US president Donald Trump.
—-