Nagpositibo sa ilegal na droga ang 21 preso nang magsagawa ng random drug testing ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC).
Ayon kay SCRDC Acting Provincial Jail Warden Lorey Celeste, ang mga preso na nagpositibo ay inilipat sa iisang selda upang masubaybayan ang kanilang kalagayan kasama ang dalawa pang person deprived of liberty (PDL).
Nakumpiska sa jail facility ang 58 improvised weapons, 28 cellphone at 11 improvised ice pick.
Sa ngayon, kasalukuyang iniimbestigahan ng PDEA ang ilan sa mga jail personnel, hindi lamang sa SCRDC kundi maging sa Sarangani at General Santos City, na sinasabing nakikipagsabwatan sa mga preso para magpuslit ng droga at iba pang ilegal na gamit sa loob ng jail facility. —sa panulat ni Kim Gomez