Naitala ng Department of Health (DOH) ang 21 kaso ng COVID-19 variants sa CARAGA region.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH-center for health development sa CARAGA na ang naturang datos ay batay sa pinakahuling tala ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC).
Mababatid na sa mga sample na nasuri, 13 sa mga ito ang natukoy bilang South African variant; 7 dito ay UK variant; at isa ang variant na unang natukoy sa Pilipinas.
Sa kabuuang bilang, 18 sa mga ito ang asymptomatic habang ang isa naman ay nagpapagaling sa kanilang bahay.
Kasunod nito, nakikipag-ugnayan na ang DOH CHD-CARAGA sa mga local health authorities para sa pagpapatupad ng mahigpit na health protocols.