21 adverse events ang naitala ng Department of Health (DOH) noong March 9 matapos maisagawa ang pagbabakuna.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 20 sa nasabing pasyente ang nakatanggap ng Sinovac vaccine habang ang isa ay naturukan ng AstraZeneca vaccine.
Ilan aniya sa naranasan ng mga pasyente ay nahirapan huminga, sumakit at sumakit ang dibdib.
Ikinukunsidera umano itong seryoso at sa ngayon ay pinag-aaralan na kung ano ang tunay na naging dahilan nito.
Hinala aniya rito ng National Adverse Events Following Immunization Committee, posibleng ang nangyaring adverse events ay dahil sa anxiety o takot na nararamdaman ng ilang nagpabakuna.
Samantala, wala namang seryoso side effects na naranasan ang nasa 872 kataong nabakunahan ng Sinovac gayundin ang 85 nakatanggap ng AstraZeneca.