Pumalo na sa 21 ang bilang ng mga nasawi sa serye ng mga pagpatay sa iba’t ibang bayan sa Negros Oriental sa nakalipas na sampung araw.
Batay ito sa datos ng DIDM o Directorate for Investigation and Detective Management ng Negros Oriental provincial police mula Hulyo a-disi otso hanggang hulyo a-bente otso.
Pito sa mga biktima ay naitala sa bayan ng Ayungon kabilang ang apat na pulis; tatlo sa Canlaon kabilang naman ang isang konsehal at dating alkalde.
Habang dalawa ang naitalang napatay sa bawat sa bayan ng Sta. Catalina, Siaton at Zamboanguita at isa sa Dumaguete.
Una nang sinibak sa puwesto ni PNP chief police general Oscar albayalde ang provincial director ng Negros Oriental na si Police Col. Raul Tacaca dahil sa hindi pa nareresolbang mga kaso ng pagpatay sa lalawigan.
With report from Jaymark Dagala (Patrol 9)