Patay ang dalawampu’t isa (21) katao habang maraming iba pa ang naospital makaraang malason sa ininom nilang alak sa Malaysia.
Kabilang sa mga naapektuhan ng naturang alcohol poisoning ang mga dayuhan mula sa Bangladesh, Indonesia, Myanmar at Nepal.
Nangangamba naman ang Malaysian Health Ministry na tumaas pa ang bilang ng mga nalason sa pag-inom ng naturang alak.
Kasalukuyang isinasailalim na sa pagsusuri ang alak na ininom ng mga biktima upang malaman kung nilagyan ito ng methanol.
Matatandaang popular sa Malaysia ang mga homemade na inuming nakalalasing dahil sa taas ng buwis sa alkohol.
—-