Walang Pilipino na nadamay sa malagim na campsite landslide na ikinasawi ng 21 katao sa Selangor, Malaysia.
Gayunman, ayon kay Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza, patuloy pa rin nilang mino-monitor ang sitwasyon habang nagpapatuloy ang search & rescue operations.
Bukod sa mga nasawi, marami ring indibidwal ang idineklarang ‘missing’ at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad matapos ang landslide sa Father’s Organic Farm sa nasabing estado.