Dalawampu’t isa (21) ang patay sa malawakang pagbaha sa Macedonia, Greece.
Ayon sa ulat, nagkalat sa kalsada ang katawan ng mga nasawi habang marami pa ang napaulat na nawawala.
Maliban dito, ilan din sa mga namatay ay nalunod sa loob ng kanilang mga sasakyan matapos ragasain ng tubig bahang aabot sa limang talampakan.
Samantala, nagdeklara naman na ang mga kinauukulan sa Macedonia ng crisis situation na tatagal ng hanggang 15 araw.
By Ralph Obina
Photo Credit: EPA