Aabot na sa 21-M doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na ng gobyerno batay sa pinaka-huling tala kahapon, Agosto 3.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, magandang balita ito na patuloy na dumarami ang mga nababakunahan sa bansa.
Ani Galvez, nasa mahigit 12-M na ang nakatanggap ng kanilang first dose habang halos aabot na sa 10-M ang fully vaccinated na.
Ipinagmalaki rin ni Galvez na halos umaabot na sa 700,000 ang naibabakuna kada araw lagpas sa dating 500 doses ng bakuna kada araw.