Ni-relieve sa pwesto ang 21 miyembro ng Philippine National Police Aviation Security Group dahil sa tanim laglag bala modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay PNP-ASG Director Francisco Pablo Balagtas, nahaharap sa administrative charges ang mga nabanggit na police officers matapos mabigong magsumite ng report ng kabuuang bilang ng mga pasaherong naaresto dahil sa umano’y pagdadala ng bala.
Kasabay nito, ipinabatid ni Balagtas na 68 pang personnel ng Aviation Security Group ang kanilang iniimbestigahan matapos ireklamo ng ilang airline passengers ng paglalagay ng bala sa kanilang bagahe.
By: Meann Tanbio