Nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan sa Northern Mindanao ang nasa 21 Overseas Filipino Workers (OFW) na nagbalik bansa pero na-stranded sa Clark.
Isinakay ang mga nabanggit na OFW’s sa pamamagitan ng sweeper flight ng Philippine Airlines patungong Cagayan De Oro.
Ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), isinailalim muna sa polymerase chain reaction (PCR) test para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng Philippine Red Cross ang mga OFW’s kung saan lahat ay nagnegatibo sa COVID-19.
Binigyan din ang mga ito ng certifications of quarantine completion ng Philippine Coast Guard, Bureau of Quarantine at Overseas Workers Welfare Administration bago pinauwi.