Patay ang dalawampu’t isa (21) katao matapos na tamaan ng kidlat sa silangang bahagi ng India kasunod ng patuloy na nararanasang pag-ulan sa naturang bansa.
Ayon sa mga awtoridad, walo (8) sa nasawi ay mula sa Odisha habang ang iba naman mula sa Jharhand State kung saan tinukoy na halos tumagos sa mga bubungan ang kidlat dahil sa lakas nito.
Hindi naman bababa sa 10 ang sugatan matapos na abutan ng kidlat sa isang palayan.
Pinag-iingat naman ng Indian Meteorological Department ang publiko sa mas malalakas pang mga kidlat na inaasahang mararanasan pa sa susunod na mga araw.
By Rianne Briones