Sinibak ng National Police Commission o NAPOLCOM ang may 21 pulis kabilang na ang isang provincial director.
Ito’y matapos mapatunayan ang kanilang pagkakasangkot sa madugong Maguindanao massacre noong 2009
Sa ipinalabas na desisyon ng NAPOLCOM, sinasabing nakipagsabwatan ang mga naturang pulis sa ginawang pamamaslang ng mga tauhan ni noo’y Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. sa 58 biktima ng krimen.
Kabilang na rito ang 32 miyembro ng media gayundin ang ilang tagasuporta, kaanak maging ang asawa ng ngayo’y Maguindanao Governor Ismael Toto Mangudadatu.
Kabilang sa mga nasibak sina dating hepe ng Maguindanao Provincial Police na si Supt. Abusama Mundas Maguid gayundin ang deputy nitong si Chief Inspector Zukarno Adil Dicay dahil sa gross negligence of duty.
By Jaymark Dagala