Pinakakasuhan ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang 21 pulis ng dalawang kaso ng murder dahil sa pagpatay sa aid ni dating Biliran representative Glenn Chong at isang kasama nito.
Dapat rin umanong kasuhan ng ‘obstruction of justice’ ang tatlong chiefs of police na sina Brig General Edward Carranza ng Calabarzon PNP, Police Col Lou Evangelista ng Rizal PNP at Police Lt .Col. pabrili naganap ng Cainta PNP.
Ayon sa NBI, lumabas sa kanilang imbestigasyon na pinatay nang walang kalaban laban si Richard Santillan at kasama nitong si Gaessamyn Asing noong December 9 sa Cainta, Rizal.
Taliwas sa sinasabi ng mga pulis, napatunayan umano sa imbestigasyon na walang armas ang mga biktima at pinaligiran sila at pinaputukan ng mga pulis.
Ang mga pinakakasuhan ay binubuo ng pitong pulis mula sa Cainta sa pangunguna ni Pol. Lt. Sandro Ortega, apat na opisyal mula sa highway patrol group sa Rizal sa pangunguna ni Police Capt. John Russel Barnacha at sampung operatiba mula sa regional special operations sa pangunguna ni Police Master Sgt. Rene Eufracio.