Sinibak at sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang 21 na pulis.
Ito’y matapos madiskubre na peke ang Civil Service Commission eligibility na ipinasa ng mga ito noong sila’y nag-aaplay pa lamang sa serbisyo.
Ayon kay Regional Police Director Chief Superintendent Rudy Lacadin, ang mga ito’y naka-assign sa iba’t ibang lugar sa Central Luzon units ng Philippine National Police.
Ipinag-utos na rin ni Lacadin ang pagbusisi sa mga isinusumiteng dokumento ng mga bagong aplikante upang hindi na maulit ang katulad na insidente.
Giit ni Supt. Enrico Vargas, Head ng Human Resource Division sa Camp Olivas, nag-aplay ang mga nasabing pulis mula 2010 hanggang 2015 at natuklasan ang mga pekeng eligibility ng mga ito noon pang Nobyembre ng nakaraang taon.
By Jelbert Perdez