Dalawa sa bawat sampung negosyante sa Pilipinas ang nakahandang manuhol para manalo ng kontrata o manatili sa negosyo.
Resulta ito ng 15th EY Global Fraud Survey sa dalawang libo limandaan at limampung (2,550) business executives na isinagawa sa limampu’t limang (55) mga bansa.
Ayon sa EY Philippines, bagamat halos isandaang (100) porsyento ng mga respondents sa Pilipinas ang nagsabing pinakamahalaga pa rin sa kanila ang integridad ng kanilang negosyo, may dalawampu’t anim (26) na porsyento rito ang nagbigay ng kahandaang manuhol para makakuha ng kontrata sa negosyo.
—-