Nagdiwang ng ika 21st birthday ang kambal na anak nina Carmina Villaroe at Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy Legaspi.
Kanya-kanya namang paandar ang dalawa sa kanilang instagram account ng mga larawan para sa selebrasyon ng kanilang kaarawan.
Ibinahagi ni Mavy ang isang throwback photo at bagong litrato kung saan pareho itong nakasuot ng spiderman costume at may caption na 21 happier and stronger.
Habang si Cassy naman ay ilang glam photos na may caption lamang na 21.
Bumuhos naman ang pagbati sa kambal mula sa kanilang mga fans at kaibigan sa industriya.
Kabilang dito si Darren Espanto na na-lilink kay Cassy at si Kyline Alcantara kung saan special someone umano ni Mavy Legaspi.