Nalubog ng baha ang nasa 22 Barangay sa mga bayan ng Calumpit, Hagonoy at Norzagaray Bulacan.
Bunsod ito ng pagpapakalawa ng tubig sa mga kalapit na dam dahil sa naranasang malakas na pag-ulan at sinabayan pa ng high tide.
Batay sa ulat, hindi bababa sa 10 pamilya ang inilikas matapos umabot sa 4 na talampakan ang tubig-baha sa mga Barangay ng Calizon, san miguel at Meysulao sa Calumpit.
Ayon sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, umaga pa lamang kahapon ay naabot na ng bustos at Ipo dam ang spilling points nito kaya kinailangang magpakawala ng tubig.
Habang pumalo naman sa 4.93 meters ang lebel ng tubig sa Candaba swamp ng Pampanga river dahilan kaya binaha ang Calumpit at Hagonoy.
Samantala, nasa 42 Barangay naman sa Masantol, Macabebe, Candaba, Apalit at San Simon ang matinding naapektuhan ng bagyong Quinta kung saan tinatayang nasa P40M ang halaga ng pinsala sa mga palayan.